Tuesday, August 21, 2007

OFW essay writing piece

Another nice piece flying around the net. Put emphasis on the last part, it left me teary-eyed.

1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho.

Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki ang pangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.

Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kadadalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.

Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mga salitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay. Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindi naman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerong Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM City.

Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid angTatay sa Airport papuntang Middle East. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya.Kailangang kumayod, kailangang kumita.

Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawang mga kapitbahay ko sa kanilang anak. Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga math competition na sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako sa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas.... Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Wala siya, wala siya parati.

Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras namin sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.

Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit sa abroad.

Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay over fatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko. Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay.

Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo.

Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sapagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.

Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seaman na tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buong kawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahil baka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ng ingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyang na-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habang binubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya na malupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae. Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabi iyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kami pa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niya ng pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kung bakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.

Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga ang paghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahil napakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansa para makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mga nagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rin sinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlong taon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man lang sana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike (Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).

Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko.

Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagong bayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction boots at may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no?

Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siya at ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mga remembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang dating nito.

Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ng pangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandangdamit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang good provider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko.

O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya. Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Na inoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Na nakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyang namatay. Tragic naman ang approach ko nito.

Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundo ang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ng kanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.

Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay. Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari. Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ng simpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayo siya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagong matchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ng beer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buong pagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa lokal na Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.

Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taong kailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasama ng mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko.

Pero bago ang lahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Baka mapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ng isang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha.

22 comments:

Anonymous said...

nice to hear naman that data base kala ko pang sex lang ang alam mo ikuwento.naka relate me sa kuwento mo.

Anonymous said...

Congrats data base.Maganda kuwento mo kakapulutan talaga ng aral.Kaya dapat tayong mga kabataan ayusin natin ang ating pag aaral dahil ang mga magulang natin nagpapa kahirap sila para matapos tayo sa ating pag -aaral.

Erwin

Anonymous said...

God bless u data base.Alam mo totoong nangyayari iyan sa buhay ng tao.Sana naman ang mga bata nagyon dapat nilang ayusin ang kanilang pag aaral para mana lang kahit duon magiging maligaya ang kanilang magulang.

rafael

Anonymous said...

Wowoweee kakaiba ang entries mo data base.More power maganda siya puwede siya ipadala sa GMA Pinoy TV sa Magpakailanman.........

Greg

Anonymous said...

Nice blog data base touch din kami dito sa FEU....

pEOPLE cHAMP

Anonymous said...

HINDI YATA KONTROBERSIYAL ANG IYONG ISSUE NOW PERO ALAM MO MAGANDA SIYA PROMISE.NAIYAK AKO

F.P.J.

Anonymous said...

Me din tatay ko naka abroad siya at ilang taon na din siya sa middle east lumaki nga ako na evry year lang kami nagkikita after 1 month aalis na naman siya.I salute you data base.galing mo talaga mag sulat..

Anonymous said...

i like it data base bravo mabuhay ka galing mo talaga very researcher ka talaga.

randel

Anonymous said...

tama ka jan data base.Mabuhay ka.....

Romy

Anonymous said...

NAIYAK ako.................


Fred

Anonymous said...

correct di puro sex......


Ariel

Anonymous said...

mabait ka din pala data base meron ka puso...

Anonymous said...

My power today lies in conscience. "He
ain't heavy, he's my brother." I own
responsibility for the baggage I have
chosen to carry but I am ready to lay
the weight of a burden or secret I
have been hiding behind where it
belongs in order to reconcile my
conscience. Do I want to be right or
alone? I am empowered by blind faith
in fulfilling my purpose or greater
good to "just do it," and I transform
through in passion or direction in
principle.

Anonymous said...

When you're willing to make an initial
effort, you'll succeed sometimes. Take
the next step, make a second effort,
and you'll succeed more often.
If you're prepared to make a third,
fourth, or fifth effort, you'll reach
a much higher success rate. And when
you commit to putting forth whatever
effort is necessary, you will achieve
whatever you choose.

Anonymous said...

People come into your life for a
reason, a season or a lifetime.
When you know which one it is, you
will know what to do for that person.

When someone is in your life for a
REASON, it is usually to meet a need
you have expressed.
They have come to assist you through
a difficulty, to provide you with
guidance and support,
to aid you physically, emotionally or
spiritually. They may seem like a
godsend and they are.
They are there for the reason you need
them to be.
Then, without any wrongdoing on your
part or at an inconvenient time,
this person will say or do something
to bring the relationship to an end.
Sometimes they die. Sometimes they
walk away.
Sometimes they act up and force you
to take a stand.
What we must realize is that our need
has been met, our desire fulfilled,
their work is done.
The prayer you sent up has been
answered and now it is time to move
on.

Some people come into your life for a
SEASON,
because your turn has come to share,
grow or learn.
They bring you an experience of peace
or make you laugh.
They may teach you something you have
never done.
They usually give you an unbelievable
amount of joy.
Believe it, it is real. But only for
a season...

LIFETIME relationships teach you
lifetime lessons,
things you must build upon in order
to have a solid emotional foundation.

Your job is to accept the lesson,
love the person and put what you have
learned to use in all other
relationships and areas of your life.
It is said that love is blind but
friendship is clairvoyant.

Anonymous said...

CHINESE HOROSCOPE (Freakishly
Correct)
DO NOT CHEAT
OR IT WON'T WORK AND
YOU WILL WISH YOU HADN..T.

TAKE 3 MINUTES
TRY THIS - IT WILL FREAK YOU OUT.



(note from Susi)This really made my
heart like jump
into my throat. It is majorly
creepifying. Honestly I
did not even cheat, and it came out
with
answers I
didn't even let myself believe until
now.(end note)





THE PERSON WHO SENT THIS TO ME
SAID
HER WISH CAME TRUE 10 MINUTES
AFTER SHE
FORWARDED THE EMAIL

NO CHEATING!!!!

Anonymous said...

Alam mo maganda article mo .madami talaga sa buhay ng tao ang ganyang mga bagay.Mas maganda na siguro na meron ka ginawa kesa naman sa mamatay ka sa pinas na wala ka naman na mapag trabahuan.

jerry

Anonymous said...

Paminsan minsan din pala maganda mga nailalagay mo dito sa blog mo.Ika nga pa iba iba at meron ka na din mga fans na mga bata kay need mo din minsan mga article na nakakatulong din sa mga batng nawawala sa kanilang mga sarili ha,ha,ha,haMabuhay ka data base....

Anonymous said...

Sa totoo lang maganda iyong storya very typical talaga sa mga pinoy iyan dito sa middle east.Sa hirap ng buhay kaya sila nag abroad.

Francis

Anonymous said...

Anu ba puwede ko ma comment?bastat naiyak ako iyon lang he,he,he kung dati nalilibugan ako sa mga kuwento now naman tears naman...........

Anonymous said...

Like it sana mo siya nakuha data base?.siguro iyong ngasulat punong puno ng pag ibig sa kanyang tatay

Saudi Boy

Anonymous said...

nakaka touch ang kwentong 'yan, but that's the real life story. Please write more stories specially like this kind of story. I like it!

GOD BLESS!