Tuesday, August 21, 2007

OFW essay writing piece

Another nice piece flying around the net. Put emphasis on the last part, it left me teary-eyed.

1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho.

Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki ang pangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.

Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kadadalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.

Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mga salitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay. Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindi naman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerong Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM City.

Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid angTatay sa Airport papuntang Middle East. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya.Kailangang kumayod, kailangang kumita.

Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawang mga kapitbahay ko sa kanilang anak. Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga math competition na sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako sa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas.... Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Wala siya, wala siya parati.

Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras namin sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.

Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit sa abroad.

Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay over fatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko. Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay.

Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo.

Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sapagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.

Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seaman na tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buong kawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahil baka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ng ingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyang na-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habang binubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya na malupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae. Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabi iyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kami pa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niya ng pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kung bakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.

Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga ang paghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahil napakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansa para makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mga nagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rin sinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlong taon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man lang sana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike (Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).

Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko.

Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagong bayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction boots at may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no?

Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siya at ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mga remembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang dating nito.

Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ng pangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandangdamit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang good provider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko.

O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya. Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Na inoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Na nakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyang namatay. Tragic naman ang approach ko nito.

Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundo ang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ng kanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.

Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay. Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari. Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ng simpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayo siya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagong matchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ng beer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buong pagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa lokal na Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.

Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taong kailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasama ng mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko.

Pero bago ang lahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Baka mapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ng isang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha.

Sunday, August 19, 2007

OFW'S all over the world deserve a public apology.

This article appeared in June 2007 edition of People Asia Magazine. A friend requested that I put this on this blog since most of my readers are Pinoys from the Middle East. I also added the reaction of Ingrid Holm, one the first to react to the article. The article is quite long, but sensible read. You can find a pdf copy at the file section of filipinodiscreetmeninbusiness group.





























Reaction:

Dear. Malu Fernandez,

FIRST OF ALL, How nouveau riche can one get? Did you marry rich? Did you suddenly come in to money? Your blatant displays of your 'luxuries' and 'wealth' and your comfort with using the word 'elitist' to describe yourself alongside the fact that you had to reference to 'politicians in your family' show that even if you did come from money, you certainly have no class.


You also seem to need to name-drop in every article that you write.


It really gets to me that you should complain about the coach seats on your Emirates flight. Honey, they aint small... YOU'RE FAT. Spare yourself some doughnuts and maybe your travels will be more comfortable... coach, or not.


MOST IMPORTANTLY. That you would put down OFW's (Overseas Filipino Workers) is really DISGUSTING. It makes you sound more vile than what you described as the scent of their 'AXE and Charlie cologne' while your 'Jo Malone melted into thin air'. Honey, without that perfume, you want to know what you smell like? Like a fat Filipino woman. The smell is probably more putrid than the smell of those OFW's. Cause they sweat honest, hard-working sweat. The kind of sweat that keeps the Filipino economy going. They're fucking brave. They've seen more than you, felt more than you, and fought more than you. You're just a coddled fat Filipino woman, under all of that cologne, and that branded clothing that makes you feel more important than them.


It sounds to me like you get to fly Business Class when you travel for work, but when you had to pay for your own travels, coach was more affordable. You tried to hide this by grandiose references to you perfume and your designer wear, didn't you? Tsk tsk...


You made some mention of having 17kg's of make-up in your hand-carry. All the make-up and adornments in the world can't hide how ugly you are inside. You aint that good-looking either, hon. Go to the gym, eat some fruits. You wrote that you wanted to slit your wrists because you were stuck in coach with all the OFW's. I am MOVED every time I am on a flight with OFW's. I am reminded of their resilience. Of how hard they work, and how they keep the Philippines going. The economy relies on their bravery. You should have slit your wrists, hon. And you are going to hell if you don't change the way you think. Think of sitting in coach, imagining your personal hell as a personal foreshadowing.


I have lived in the Philippines, and I have also traveled the world. I've probably been to as many if not more places than you, seen more things than you, so maybe despite all of this money you seem to need to brandish and the places you have been to, you're just an ignorant. This coming from a 20 year old girl.

You're act isn't classy. You're not pretentious. You're just some stupid woman, living in a third world country, thinking that because you jetted off to Greece and you wear Jo Malone perfume, you are suddenly something.


Take this from someone with the same 'socio-economic background' as you, bitch. What a pitiful excuse.

I also happen to read things 'thicker than magazines', I go to University in London where I will finish with an Honors Bachelors Degree in May. I have a 1 year Marketing Economics degree from a business school in Oslo, and I graduated with an International Baccalaureate Diploma at age 17, if you were wondering. So no fucking excuses.


You could do so much more than you think, yet you choose to act like a proper twat. The kind of twat that people with some brains laugh at, the world over. Think of this as some more exposure.


I am ashamed of people like you. OFW'S all over the world, working their tits off, deserve a public apology.


Ingrid Holm

Sunday, August 5, 2007

Archie of Coke

When his eldest was born, Archie could not contain his happiness. He was so full of enthusiasm for his little girl that he’d rather stayed with her for the rest of the time. Such awesome feeling happened two more times by the birth of yet another girl, and another baby boy.

Archie’s work as a delivery driver is not enough to support a growing family. He knew this even before he decided to tie the knot with his wife, a domestic helper escapee. Even prior to this, his mere ambition was to return to the Philippines 10x richer compared to his status previous to his Saudi job. But being a driver could not guarantee fulfillment of that ambition.

Being young, fresh and in slim shape then, he used his body to advance this ambition. He became the buzzword among gays and bi’s in Saudi. Then one funny day, he met this Arab guy who promised him regular allowance in exchange of his faithfulness. Archie thought of the bargain as “convenient” and on the right track to his dream. And so he agreed to a “live-in” arrangement.

For a while, it seemed that Archie was on-top of everything. He was able to purchase a subdivision lot in the country and build a house therein. He was so high on his successes and acquired wealth that he even agreed to undergo a gay ceremonial marriage.

But the period of milk and honey was cut short when the Arab man finally wed a woman of his kind. He swore it was only in honor of family and tradition, but does not wish to terminate whatever it is between them. Nevertheless, Archie’s regular allowance was severely affected; he had to settle only with what the Arab lover can spare or “barya barya lang”.

When Archie met the mother of his kids, he thought it would signal the breaking-off the relationship with the Arab. But no! Instead, the Arab is constantly threatening Archie that if he decides to do so, an appropriate action would be taken against his wife.

And so, Archie could only beg for mercy, come at the right time at a designated place and fulfill the whims and instructions of the Arab guy.

In the meantime, Archie had to be contended with looking at the faces his children. And whenever he does so, he realizes that it is only a matter time before he can summon all his strengths and start a fight.

Indeed, threats of the future are products of what we hold today.

(you can find the same entry at the journal section of pic-link.com)